Monday, March 9, 2020

2020 Tokyo Olympics - Pasok ang Pinoy Boxer na si Marcial

Sports News, Pasok sa 2020 Tokyo Olympics ang pinoy boxer na si Eumir Marcial. 
The 2020 Summer Olympics, officially known as the Games of the XXXII Olympiad and commonly known as Tokyo 2020 or the Recovery Olympics,

Ito ay matapos pabagsakin si Byamba-Erdene Otgonbaatar ng Mongolia sa ginanap na Asia/Oceania qualifying tournament sa bansang Jordan.

Dahil dito aabanse na rin si Marcial sa semifinals ng middleweight division.

Sasamahan ni Marcial ang gymnast na si Carlos Yulo at pole-vaulter EJ Obiena para ibandera ang Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Samantala susubukan naman nina Carlo Paalam, at women’s fighters Irish Magno, Riza Pasuit at Nesthy Petecio ang yapak ni Marcial kung matatalo nito ang kani-kanilang katunggali sa mga laban na nakatakda ngayong Lunes.