Monday, March 23, 2020

Sarah at Richard, Nais tumulong sa mga apektuhan ng COVID-19


Nais tumulung sa naapektuhan ng COVID-19 at nanawagan ang newly weds na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa mga gustong tumulong sa mga biktima o sa mga kapus-palad sa panahon ng COVID-19 pandemic para layunin matugunan ang kailangan ng mga tao .

Sa isang tweet ni Sarah Lahbati, humingi ito ng donasyon para sa mga hirap sa pangangailangan na hindi makabili ng mga basic needs sa panahong ito ng lockdown sa buong Metro Manila. Sa ngayon, nakaipon na nang mahigit sa P100,000 ang couple mula sa mga donors. Bukod pa rito, may mga ilang supplies gaya ng face mask, disinfectant, alcohol, at pagkain ang nalikom na.